TRIVIA ASYANO PAGBIBINATA SA PANAHON NG PANDEMYA

Ngayon panahon ng pandemya marami ang mga pagbabago ang naganap sa buhay hindi lamang saten mga Pilipino subalit sa buong mundo. 
Marso 2019 nag mag deklara ng lockdown ang ating pamahalaan dahil sa virus na kumalat sa buong mundo. Noong una ako ay naging masaya sapagkat ang buong akala ko mawawalan lamang ng klase ng ilang araw, sa tingin ko ang aking emosyon ay dala lamang ng pagiisip ng isang bata na walang inaatupag kung hindi maglaro sa labas kasama ang mga kaibigan. 
Dumaan ang ilang buwan ng pamamalagi sa loob ng aming tahanan ako ay unti-unting nalungkot at binalot ng takot sa kadahilanan ng mga naririnig na balita ng madami buhay ang kinuha ng COVID. Dito ako sobrang nagalala para sa aking pamilya sapagkat ang aking ama at kuya ay patuloy na nagtratrabaho para aming pamilya. Marami tanong ang sumagi sa aking isip paano kung magkaroon din sila ng COVID habang sila ay nasa trabaho? Paano naman kung hindi sila mag tratrabaho paano makakaraos ang aming pamilya?  Lubos ako nalungkot sapagkat ilang buwan natigil ang aking pagaaral nakaramdam ako ng panghihinayang sapagkat ako ay aangat na sa anim na baitang subalit walang kasiguraduhan kung maibabalik ba ang pagbubukas ng paaralan. Dito ko naisip ang kahalagahan ng pagaaral.
Sa pag daan ng mga buwan naibalik ang pagbubukas ng klase ngunit ito ay naging online malaking pagaadjust para sa akin ang online schooling dito natuto ako gampanan ang aking mga resposibilidad unti unti natuto ako tumuklas ng mga bagong kakayahan sa aking sarili. 

Wala ako ideya kung anu-ano ang mga pagbabagong maaring mangyare pero sa paglipas ng dalawang taon, aking napagtanto na ang pagbibinata ay maghahatid ng mga pagbabago at ang mga ito ang magbibigay daan upang mas lubos ko makilala ang aking sarili. Ang mga pagbabagong ito ay ang magiging tulay upang mabigyan kalinawan ang aking pagiisip sa realidad ng buhay. Malinaw pa sa aking ala-ala kung paano ako natakot ng dalin ako ng aking ina kahit panahon ng pandemya sa isang magtutuli. Dito nilabanan ko ang aking takot sapagkat ang aking naisip ay para sa akin din ito. Natuto ako alagaan ang aking sarili kung paano ko mapapagaling at maiiwas sa impektion ang sugat na dala ng pagtuli. Nag iba at bumilog ang aking boses. Napansin ko din ang aking pag tangkad ng subukan ko isuot ang aking mga lumang uniporme, lumaki ang size ng aking paa na wala ng magkasya sa akin sapatos. Ang aking mga nabangit ay iilan lamang sa pagbabago na aking napagdaanan. Sa pag daan ng mga  buwan unti-unti kong tinanggap na ako ay hinuhubog na ng panahon upang maging ganap na binata. Dumating ang takdang araw na aking pagtatapos sa ika anim na baitang lubos ang aking kasiyahan sapagkat nag bunga ang lahat ng aking pagod sa pagaaral at makakatung-tong na sa panibagong yugto ng aking buhay. Ngayon ako ay nasa ika pitong baitang na umaasa ako na mas marami pa ko matutunan at matutuklasan sa aking sarili. Umaasa na balang araw matutupad ko lahat ang aking pangarap hindi lamang para sa aking sarili kung di para din sa aking pamilya. Ang pagbibinata ay hindi lamang tungkol sa mga pagbabago sa pisikal na kaanyuhan para sa akin mas binago tayo ng mga bagong karanasan. Nakaramdam ng ibat-ibang emosyon dulot ng pag bibinata. Isa na dito yung nagkakaroon ka ng pag hanga sa kasalungat ko kasarian, dito ko naranasan na mag ayos sa sarili sa pananamit sa kadahilanan gusto ko maging maayos ang aking itsura sa tuwing siya ay aking makikita. Nakaramdam ng kilig sa tuwing tutuksuin ng aking mga kaibigan. Iilan lamang ang mga ito sa dami ng mga emsoyong aking naramdaman.

Sa aking pag bibinata, aking napagtanto na ang
pagbabago ay di kailanman maiiwasan. Maraming buhay man ang binago ngayon pandemya ngunit kahit ang CORINA VIRUS hindi mapipigilan ang pagbibinata na magaganap sa ating buhay. May malaking pag babagong magaganap sa ating buhay maaring maghatid ito ng takot o pagkabigla. Ang mga pagbabagong ito ay magiging malaking parte ng ating pagkatao at isa sa pagbabagong ito ay ang pagbibinata. Bilang isang lalaki marami itong maihahatid na mga bagay n kakaiba. Ipaparamdam ng pagbibinata sayo ang mga bagay na hindi mo inaasahan mula sa pisikal na kaanyuhan at maging sa emosyonal na aspeto ng buhay. Hayaan mo damahin ng iyong sarili ang lahat ng ito sapagkat minsan lamang mangyayari ang mga ito sa iyong buhay. Ang yugtong ito ay magiging malaking parte na kung ano man ang magiging ikaw sa hinaharap. Ang mabuting gawin na lamang ay tangapin ang mga pagbabago at hayaang maging masaya ang iyong buhay.



Popular posts from this blog

Kolonyalismo at Imperyalismo

KADAYAWAN MUSICAL CHARACTERISTICS

Promotion of Mitigation and Disaster Risk Reduction of Typhoons