Kolonyalismo at Imperyalismo

Ano ang Kolonyalismo at Imperyalismo?
Ang kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mangongolonya.

Ang Imperyalismo ay isang patakaran o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o makapangyarihang bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng ibang mga bansa. Ilang malalaki o malalakas na mga bansang ang kumokintrol sa ibang mga rehiyon upang makalikha ng isang mas malaking imperyo.

Ang kolonyalismo ay madalas na naihahalintulad sa Imperyalismo ngunit ang dalawa ay may pagkakaiba. "Maaring magsilbing baseng pangkalakal o pang militar ang kolonya".

Dahilan ng kolonyalismo at Imperyalismo
Ano nga ba ang dahilan ng kolonyalismo at Imperyalismo?
Nagsimula ang pagsagawa ng kolonyalismo sa daigdig nang magtagumpay ang mga Kanluranin sa pagtuklas ng mga bagong lupain. Ang panahong ito ay tinawag na Panahon ng Paggalugad at Pagtuklas na naganap mula ika- 15 hanggang ika- 17 siglo. 
Noong panahon ng paggalugad at pagtuklas, naging aktibo ang maraming bansa sa Europe na maglayag at mag tungo sa mga hindi pa nararating na bahagi ng daigdig. Nakatulong sa mga manlalayag ang mga kagamitang nagpadali at nagpabilis ng kanilang paglalayag sa karagatan tulad ng compass na tumutukoy sa direksyon ng isang lugar at caravel o barkong higit na mabilis at may kakayahang makapaglayag sa kabila ng malakas na alon ng dagat. Lalo po napukaw ang kanilang atensyon ng malaman nila ang paglalakbay ni Marco Polo. 
3 LAYUNIN O MOTIBO NG KOLONYALISMO 

πŸ“Œ GOD - Paglaganap ng Kristiyanismo
πŸ“ŒGOLD - Pag hanap ng kayamanan
πŸ“ŒGLORY - Pag hahanap ng kalagayan

Marami ang nag nais makapunta sa Asya  ng maisiwalat ni Marco Polo ang yaman nito kaya't nag hangad ang mga Europeo.
Hindi din naten maiisantabi ang paghahanap ng Europa ng mga rekado o sangkap sa hilaw na bagay na kanilang kailangan. 

Isa-isahin naten ang pananakop ng Europa sa mga Asyano. Una na dito ay ang krusada. Sa kanilang paglalakbay nagkaroon ng kaalaman ang mga nag krusada tungkol sa mga lupain ng asyano.
Ang pangalawang pangyayari ay ang pagpapalit ng Europa ng sistemang pang ekonomiya mula feudalismo patungong merkantilismo ng sumibol ang mga bayan at dumami ang kalakalan. 
Sa sistemang ito dame ng ginto at pilak ang batayan ng yaman at kapangyarihan.
Dahil dito lalo naging masidhi ang pag
hahangad ng mga bagong tatag na estado ng Europa na maparami ang kanilang ginto at pilak. 

Ang ikatlong pangyayari ay ang paglalakbay ni Marco Polo. Nang maitatag ng mga monggol ang dinastiyang Yuan sa china nag anyaya si Kublai Khan ng mga dayuhan mula sa kanluranin upang makita ang yaman ng kanyang nasasakupan. Isa si Marco Polo na unang Europeo na dumating sa china sa panahong ito. Isa siyang manlalakbay mula sa Venice Italy.
Nang siya ay nasa china bingyan siya ng posisyon sa pamahalaan ni Kublai khan, dhil dito nanirahan siya ng matagal sa china. Sa kanyang pagbabalik sa Europa isinulat ni Rustichello da Pisa ang kanyang aklat na The Travel of Marco Polo
naglalaman ito ng kanyang mga karanasan at mga nasaksihan sakanyang paglalakbay at paninirahan sa china nilahad din nia dito ang yaman at kultura ng Silangan lalo na ang china dahil dito napukaw ang atensyon ng mga taga kanluranin na makarating sa Asya.
Ikaapat na pangyayari ang pananakop ng mga Seljuk Turk nung ikalabing apat na siglo nakontrol ng mga Seljuk Turk ang pinaka mahalagang rota ng kalakalan nag uugnay sa Silangan at Kanluranin ito ay ang rehiyong dagat Meditteranean. Tanging mga italyano lamang ang kanilang pinayagan ang nakabibili ng mga produkto sa Asya. Ipinag bibili ng Italy sa ibang bansa ang mga kalakal na ito sa halagang mahal, pangunahing produkto ng Asyano na kinasasabikan ng mga Europa ay ang mga pampalasa.

Popular posts from this blog

KADAYAWAN MUSICAL CHARACTERISTICS

AP, FILIPINO, ESP PERFORMANCE TASK 4 Quarter 3