AP, FILIPINO, ESP PERFORMANCE TASK 4 Quarter 3

Naganap ang unang yugto ng kolonisasyon ng mga taga-kanluran noong ika-15 hanggang ika-17 na siglo. Kasabay rin nito ang panahon ng eksplorasyon ng mga Europeo. Ang kanilang eksplorasyon sa mga bansao teritoryo ay ang nagdulot
ng pagsisimula ng kolonisasyon.

Narito ang ilan sa mga naging epekto sa mga bansang nakaranas ng kolonisasyon
mula sa mga bansa sa kanluran :

1. Nagkaroon ng impluwensya ang mga 
     taga-kanluran sa mga bansang kani-
     lang pinuntahan.
2. Napasailalim ang maliit na bansa sa 
     kapangyarihan ng malalaking bansa.
3. Nagkaroon ng malaking epekto sa pa-
     mahalaan ng sinakop na bansa.
4. Paglaganap ng relihiyong Kristyanismo.
5. Pag- angat sa antas ng edukasyon na 
    dala ng mga mananakop.

Ang Pilipinas ay isang bansa na kilala sa maraming dako ng mundo dahil sa pagiging aktibo at agresibo nito sa iba't ibang larangan at aspekto. Ngunit tila ang kasalukuyang sistemang edukasyon ng bansa ay humaharang sa patuloy na pag-unlad nito. Sa kasalukuyan kabilang ang 
Pilipinas sa tinatawag na " third world country". Ang mga bansang nabibilang rito ay iyong may mga mababang ekonomiya. 
Malaki ang epekto ng sistema ng edukasyon sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa. Kung susuriin marami ang kapos sa karunungan dulot ng mababang kalidad ng edukasyon kadalasan pa marami ang hindi na napagtutuunan ito kadahilanan ng kapos sa pinansyal. Sa katunayan napaka halaga mg edukasyon sa isang tao lalo't higit pa sa isang bansa.

Ang edukasyon ay isang sistema ng pagtuturo o proseso ng paghahatid ng kaalaman, karunungan at maging kultura ng isang bansa at ito din ang nagtuturo sa isang tao ng magandang ugali. Ito din ang maaring humubog sa ating mga talento na isang regalo ng Diyos sa bawat tao na maari naten ibahagi sa atin kapwa upang makatulong din sa pag unalad ng buhay. 

Ang edukasyon ay isang bagay na hinding 
hindi maagaw nino man. Kung magagamit ng isang bata ang kanyang karunungan at talento ng wasto, Siya ay magiging isang mahalagang bahagi ng kanyang pamilya, 
lipunan at bansa. Ito din ang magiging daan o simula para sa mabuting kinabukasan sapagkat kung ikaw ay makakapag tapos ng pag-aaral mas makakahanap ng maayos na trabaho na kung saan malaki ang maitutulong sa maayos na pamumuhay at matagumpay na kinabukasan.

Popular posts from this blog

Kolonyalismo at Imperyalismo

KADAYAWAN MUSICAL CHARACTERISTICS