PERFORMANCE TASK 3 in AP, FILIPINO, ESP
Ang mga babae ay marami ang kontribusyon sa lipunan. Una, mahalaga ang papel nila sa pamilya. Sila ang ilaw ng tahanan, tagapag-alaga at taga suporta sa
bawat miyembro. Sila ang ating karamay sa tuwina. Ang mga ina ang ating ilaw at gabay. Ang kanilang mga ideya o suhestyon sa pamilya at lipunan ay mahalaga sa pagbuo ng plano at hangarin sa lipunan. Napapanatili ang karapatang pantao at naiingatan ang pantay na pagti-
ngin sa lipunan ng walang pagtangi o pang
aabuso sa mga kababaihan. Sa kasaluku-
yang panahon ngayon na ang kayang gawin ng mga kalalakihan ay kaya na ring gawin ng mga kababaihan tulad ng pagsusundalo, pagmamaneho, pagkakarpintero at marami pang iba.
Ang mga kababaihan ay dapat nating pahalagahan, utang naten sa ating mga ina ang ating buhay at kinabukasan. Sila ang kumalingan sa atin noong bata pa tayo suklian natin ang kabaitan at pagpapakasakit nila sa atin. Sila ay aking igagalang. Sila ay nararapat na parangalan. Sila ang tunay na matatalino lalo na pagdating sa karanasan. Sakanya ko natutuhan ang maraming bagay. Siya ang aking ina na aking iniidolo.